REPUBLIC OF THE PHIlIPPINES

PROVINCE OF CAMARINES SUR

BICOL REGION

MEMO ON THE CONDUCT OF PRE-DISASTER PREPAREDNESS MEASURES FOR THE RAINY SEASON

MEMO ON THE CONDUCT OF PRE-DISASTER PREPAREDNESS MEASURES FOR THE RAINY SEASON

CamSurIsReady

Bilang paghahanda para sa tag-ulan, inatasan ni Governor Lray Villafuerte ang lahat ng mga local chief executive, LDRRMC chairpersons, city/municipal DRRM officers, gayundin ang mga punong barangay at BDRRMC chairpersons sa buong probinsya na agarang magsagawa ng preparedness measures katulad ng:

• Pagsagawa ng clean-up drive, kabilang ang paglinis at pagtanggal ng bara sa mga kanal, drainage system, ilog, at iba pang daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.

• Pagtabas ng mga puno at halaman malapit sa mga linya ng kuryente, kalsada, at mga critical facilities upang maiwasan ang sagabal o pinsala sa panahon ng malalakas na hangin at ulan.

• Pagsuri at pagpapatibay ng mga critical infrastructures at facilities gaya ng mga evacuation centers, flood control structures, at slope protection areas.

• Pagsuri at pag-update ng mga Contingency Plan at evacuation procedures upang masiguro na nauunawaan ng mga komunidad ang early warning systems at evacuation protocols.

• Prepositioning ng mga kinakailangang kagamitan at pagtiyak sa kahandaan ng mga local responders at emergency equipment.

• Pagsagawa ng public information and education campaigns upang mapataas ang antas ng kaalaman ng komunidad sa mga panganib na dulot ng tag-ulan, kabilang na ang landslide at pagbaha.

• Regular na pag-monitor at pag-report ng mga sitwasyon at anumang hindi inaasahang insidente sa PDRRMC Emergency Operations Center

Layunin nitong tiyakin ang kahandaan ng bawat munisipyo at barangay sa posibleng epekto ng masungit na panahon, tulad ng pagbaha, landslide, at iba pang sakuna dulot ng malakas na pag-ulan.

Province of CamSur Official FB Page
source: Province of CamSur Official FB Page
date: Jul 04, 2025
GOVSEAL

All content is public domain unless otherwise stated.